Normal na lang na umaattend ako ng affairs ng City Hall.
December 30, 2009. isa eto sa ilang gabi na kailangan namin pumunta ng plaza para magpacheck ng attendance si misis (read: taga-city hall po ang asawa ko).
Sa loob ng buwan ng Disyembre, isang napakagandang effort ng City ng Balanga ng magkaroon ng pinakamahabang pagdiriwang ng pasko. May ilang araw na kailangan mag-medics (booth) ang RHU III at may mga araw na compulsary attendance ang lahat.December 30, 2009. isa eto sa ilang gabi na kailangan namin pumunta ng plaza para magpacheck ng attendance si misis (read: taga-city hall po ang asawa ko).
Eksaktong araw na ito, isang taon ang nakakaraan, 2008 ay naging makahulugan para sa akin. Sa gabing yaon - SOCA (ung kwento ko na parang na-starstruck ako kasi binati ni mayor si misis) atSMB Night, na-finalize ko ang invite ng kasal namin. Nagpascan ako ng picture namin na para nga sa invite. Metro bank ako work that time kaya super-gabi na ako nakalabas ng bangko at wala akong choice kungdi magpascan sa kaisaisa na lang na open na comshop.
Memorable nga po - navirus ang computer ko. Kaa-upgrade lamang po niya nung september sa halagang P6,000. - bunga ngkauna-unahan kong pagkakautang sa Pag-Ibig Fund sa history ng pag-work ko sa nasabing ahensiya ng limang taon.
Sa gabing ito, 2009. Lingid sa pag-aakala ng mga nakakakilala sa akin na naroroon ako bilang asawa ng empleyado ng lungsod, naroroon ako bilang apo ng nakaraang Alkalde - ang aking Lolo Crispulo B. Torrico.
Isa pong lubos na pagpapasalamat mula sa aming pamilya sa paanyaya na aming matanggap sa okasyon na yaon. Bagamat hindi po siya halal na alkalde, naninilbihan lamang bilang appointed na tagapamahala sa pagliban ng nakapuwesto sa panahon na yaon, binigay pa rin po ng mga kasalukuyang tagapamuno ang respeto sa aking lolo.
Bagaman hindi kami pumuwesto sa nauukol sa lugar para sa mga kaanak ng past mayors- sapat na sa akin na kasama ako sa pinatutungkulan sa tuwing babanggitin sa programa sa pasasalamat sa pagdalo ng mga kaanak.
lingid man kaalaman ng mga naroroon, isang karangalan para sa akin na hindi lamang ako basta - Taga-Balanga sa gabing ito, isa rin akong apo ng pinatutungkulan ng pinasisinayaangng Plaza Mayor ng Balanga.
Ako po si Richard Torrico Guevara, apo ng ex-Mayor Crispulo Torrico.
(isa pong pasasalamat sa website po ng city government ng balanga para sa picture. wala po akong dalang camera. sa kadahilanang wala po akong sariling camera- hehe)