Basta ang alam ko ang tagal tagal nang nababalita na hahabol for Mayor (nung first time) ni Joet Garcia pero hindi ko pa siya nakikita nun. ganun lang ang panay ko naririnig - gwapong kapatid ni Abet pero hindi na single.
Ang alam ko lang dati, around 1998 ay may Garcia Family Calendar kaming natanggap pero hindi ko rin siya napansin. Si Cong. Abet Garcia pa lang ang Super-Hearthrob nun eh.
Kakaiba lang isipin na first time ko siyang makita, at last-sa Olongapo. May make-up classes kami sa Master's, Sunday noon opening ng CLRAA (Athletic Meet ng Region III) 2003. First time ko rin manood ng parada ng CLRAA na wala sa Bataan. Hindi ko alam basta iba ang feeling na nasa Olongapo ako nakikita ko ang delegation ng Balanga City, kinikilabutan ako sa pagkaproud. Then, sa umpisa ng delegation nakita ko ang mama' na maputi, na katabas ng mukha ni Abet. Si Joet Garcia na nga ang kumakaway-kaway at nangangamay na eto. (hindi po iyan ang actual photo, naghanap lang ako ng picture niya sa CLRAA para angkop sa story)
(Singit lang: Memorable ang araw na iyun, nakain ang ATM card ko after manood ng parade. Payroll ko sa work un. 3 months akong di sumahod ng normal dahil nawala sa mail ung ATM nung ibalik siya sa office namin.)
One classic anecdote which i heard about Mayor Joet ay about sa ulan. Hindi ko maalala kung narinig ko first-hand, pero malamang ikinuwento lang sa akin ng tita ko na umattend ng assembly ng Kabalikat (acronym ng something about kababaihan, sorry for not researching).
Mula sa isang ina, proud na proud at pinatutunayan ni Ma'am Vicky Garcia((First Lady) kung gaano kabait si Mayor Joet. Grade school pa lamang si Mayor nun. Umulan ng malakas at medyo nagbabaha na raw. Hindi ko sure ung places, pero parang ang office ni Ma'amVicky adjacent sa house or school kung nasaan si Mayor. Sobrang nag-alala daw si Mayor Joet na dinalhan daw niya ng payong si Ma'am Vicky para makauwi ang mommy niya.
Ung pinaka-recent closest encounter kay Mayor was nung nag-State of the City Address siya, December 2008. Si Mrs. ko kasi taga-City Hall so obliged siya pumunta at mag-medics. Sa mga nakakaalala, after magsalita ng lahat, nung turn na ni Mayor, umulan. Sumilong kami ni Mrs. sa lobby ng City Hall. After ilang minutes, nagkakagulo na kasi pumapasok na si Mayor. Tapos na ang SOCA. Pagpasok niya, nakita niya si Mrs. at tinanguan.
Tanong ko agad, "Kilala ka talaga ni Mayor?"
Sabi ni abay ko,"Namumukhaan lang siguro dahil empleyado."
Sa haba ng panahon he is more than the "Mas gwapong kapatid ni Abet, kaya lang may asawa na.." He is the City Mayor and all. he is 1/3 ng 3G but he is a person of his own - and not just the-son of/brother-of.
Pero hanggang ngayon naman debate pa rin kung sino ang mas guwapo kina Congressman Abet o Mayor Joet. Given naman na kamukha ni Piolo si Mayor, but I hope he takes it as a compliment to cite na ka-look alike niya rin si Bongbong Marcos.
Karaniwang tao lang ako. Matanguan o mabati man niya ako in the future ay dahil langsiguro cordial siya sa lahat. Malabong dahil kilala niya ako.
Karaniwang tao lang ako. Wala ako sa posisyon na magbida ng mga achievements niya. So kahit mababaw man, sana sapat nang nai-log ko ang iilan man lang na pagkakataon na nagkrus ang landas namin.
Karaniwang tao lang ako. Para sa akin, isang malaking karangalan na magkaroon ng recommendation mula kay Mayor Joet Garcia (2 beses po, last year at ngayong 2009) para sa parehong trabaho na ina-applyan ko.
No comments:
Post a Comment