Friday, May 29, 2009

Enrique Garcia Sr. Ave. a.k.a. Four Lanes

Ang mahabang explanation kumbakit walang piture ng 4 lanes:
(kanunan ko na ng pictures ung 4-lanes. nagpunta ako ang St. joseph College, sabi ko pagkakataon na. nakakahiya man dahil ang daming dumaraan, nagpicture
na ako ng bonggang bongga. ok naman ung pics, khit di masyado prof ang shots. di ko agad na-upload sa laptop, dahil nga panay naglalaro ng online games ang mga bata. eto ang climax, may gumamit ng digicam at nabura, akala yata di mahalaga dahil views lang at hindi tao ang mga nasa picture. hay! di pa ko nababalik dun sa 4-lanes, ang layo din kc nun mula dito sa amin.)


Eto na ang official post:


“Gawa ng Daddy ko ‘yan!”

Di ko sigurado ang mga petsa. Basta ang mga pangyayari ay naganap sa panahong nagta-trabaho ako sa Dinalupihan (2003-2008). Sa (ehem! Roman Super) high way kasi dumadaan ang ordinary bus na sinasakyan naming araw-araw.


Nung una, nari-rinig-rinig lang naming na may ginagawang napakalapad na daan papunta ngang high-way. Ilan pang panahon, natapos na at nabuksan na sa publiko bilang four-lanes. Isang araw, nakita na lamang naming ang isang sign na “Enrique Garcia Sr. Avenue” or EGSA. Hanggang ngayon, four lanes pa rin ang tawag dito.


Maliban sa nagbabagong tarpaulin na Welcome Balanga City - mula kay ex-Mayor Albert S. Garcia, ex-Mayor Melanio S. Banzon Jr. at hanggang kay Mayor Jose Enrique S. Garcia – walang masyadong pinagbago ang lugar. Wala ring masyadong kwentong pwedeng sabihin dito. Basta, parte siya ng pagbibihaye ng bawat mamamayan dumaraan dito. Dahil ang hindi lumingon… hindi makikita ang likuran.


Lalu na nung unang bukas ng four-lanes, panay pinagmamalaki ng pamangkin na si Michel Angelo na gawa ng daddy nya yun. Engineer kasi ang kuya ko ng contractor na gumawa nun.


Sa kabilang banda naman, si Gov. Enrique “Tet” Garcia Jr. no less, may puwede ring sabihin.

“Pinangalan sa Daddy ko ‘yan!”

Saturday, May 9, 2009

Balanga City by Night






Dati, may panahon na pinipilit ang set-up ng 24-hour convenient store. Mas nauna pang magclick ang coffee shops dito sa Balanga. Ahay! alamat na kaya ang Beanery ngayon.

Galling kami ng coffee shop, naka-single na motor. Naka-angkas ako sa friend ko pauwi ng bahay, nang sitahin kami ng marshall. Ew! Ramdomly, may nanghuhuli ng walang helmet kapag gabi.

“Lisensya?”

“Nasa bahay po, tawagan ko lang ang anak ko para dalhin dito.”


Pero kunwari lang. Ang totoo paso na iyon.

Sabi ko, “Sabihin mo taga-Pag-IBIG (Fund) ako.” With great power comes great privilege. Balato na lang tutal kapwa taga-gobyerno.

Or, “Sabihin mo, taga-City Hall din ang GF ko.” Birds with the same feather do not tuka each other.

Nag-insist siya na huwag dahil may kakilala siyang tsip. He has the face (value) that could launch a thousand chiefs.

Iwan ko na lang daw siya. Ok. Move on kung move on.


Nung sabihin kong ica-capture ko ang balanga - day and night, naalala ko tuloy ang hitsura nito nung bata ako.

Bataan Community College dati ang kinatatayuan ng Jollibee ngayon.

Dating pawnshop ang Mc Donald’s today.

Gasolinahan ang Vercon’s Supermarket a.k.a. Sunshine Mall.

Aha! Alam ko pa. Panay yata kami kasama ng tita ko na naglalakad sa plaza kapag gabi nung tatlong beses siyang nagbuntis.


Sa tingin ko ngayon, wala na ang sinasabi nilang mga apo ni Rizal. Immaculate lang yata talaga ako mag-isip. Kapag mga past 10pm na, napapansin ko lang ang mga kabataang naka-pants ng service crew ng mga fast food. Kaa-out nila at pauwi na. May mga kabababa rin ng bus galling Mariveles, naka uniform ng Essilor, Mitsumi etc.

May mga tao naman sa 3 outlets ng 7/11 at sa 1 mini-stop. Wrong timing lang siguro dati ang Melano (local version ng 7/11 at mini-stop). May classmate na tuloy ang Burger Express at mga botika sa tapat ng Bataan Provincial Hospital sa pagka-bente-kwatro-oras (dahil hindi natutlog ang Balanga!).


In terms of consciousness at economics, di ako magsasalita. Basta nagbabago ang panahon. Mas madami na ang namamasada sa gabi. Ewan ko lang kung libre pa ang refill ng goto sa tulay at common terminal. Mababaw lang akong tao, di ko susubukang magpaka-socially relevant.

At, may marshalls na pala sa gabi. Kaya nga kami nahuli.

Madalas busy rin akong tao, bukod sa katotohanang kuripot akong magload. Pagkatapos pa yata ng isang buwan nang kamustahin ko si friend.


Reply niya sa text:

Musta rin. Huli kung huli.

1 gabi me 2log sa munisipyo.

(city hall = munisipyo)

Di nakuha sa pki-usap ang marshall.

Impound p motor ko.

Hu hu!














Monday, May 4, 2009

Alamat ng Balanga..


Ako ay taga-Balanga.

Paano ba pinapaligoy ang kuwento?

Hometown: Balanga City.
Madalas nagche-check ako ng Friendster account ko, gamit ang ID ng iba. Basta lang. iba ang pakiramdam na tinitingnan mo ang sarili na para kang ibang tao.

Location: Balanga City.
Hanggang ngayon, nakasabit pa rin ang mga parangal ng lolo ko sa dingding ng haus este bahay namin. Nasa shoebox yung mga pictures nila ng lola ko. Parties. Nag-i-speech. Nanunumpa. Umaatend ng Rotary Club, Inner Wheel, Knight of Columbus, Adoracion Nocturna Filipina, Parish Council at iba pa.

Naalala ko tuloy ang mga bagay naman na nawala na. Bukod kasi sa Disney’s Wonderful World of Knowledge (Children’s Encyclopedia po), mayroon pa akong mahilig buklatin nung bata ako. Buklatin, hindi basahin.

Minsan nakapagtataka, may isang buong aklat ng Alamat ng Pinya. Puwede naman itong ikuwento ng isang pangungusap.

Minsan may tumubo na lamang ng isang halaman na namunga ng prutas na maraming mata, ilang araw matapos mawala si Pina nung sabihin ng nanay niya na dumami sana ang mata niya para makita ang sandok.

Paano ba pinapaligoy ang kuwento?

Noong unang panahon, may napadpad na mga kastila sa isang liblib na pook. Ang mga katutubo noong araw na yaon ay naghuhukay. Sa wikang kastila ay ninais nilang malaman kung ano ang tawag sa lugar na iyon. Dahil sa hindi sila magkainitindihan, sumagot ang mga katutubo ng abu- kaykay. Ito sa pag-akalang ang tinatanong ay kung anu ang kanilang ginagawa. At mula noon ay tinawag na itong Abucay. Ang Alamat ng Abucay.

Location: Makati, Ortigas, Laguna, Singapore, Dubai, Qatar.
Nakita ko sa Friendsters ng mga classmate ko ng elementary at high school. Madalas naiisip ko nasa akin naman kung gusto kong maiba ang profile ko sa Friendster. May kanya kanya tayong dahilan.

Balanga City ang Hometown ko. Tingnan natin sa susunod na panahon kung maiiba ang Location ko. Basta, taga-Balanga ako.

Inakala ng mga katutubo na ang tinatanong ng mga kastila sa kanila ay kung ano ang kanilang dala-dala, kaya ang sinagot nila ay balanga o banga.

At ito ang Alamat ng Balanga na alam ko. Sa nabasa at nabuklat ko sa mga Souvenir Programs ng Lolo ko. Pinaligoy ko lang para hindi iisang pangungusap.


(paumanhin wala ko kita pic ng parang nag-uusap ang kastila at katutubo na may dala banga o balanga, pahiram po ng pics old balanga sa website ng COB at ung pinya sa beeble blog, tnx.) retsard blogger erasmus n. guevara.

Balanga City Mabuhay! Photos sa Wakas




Gaano kahaba ang limang taon?

Kung may anak ka, malapit na siyang mag-grade one.

or

Nag-high school ka, tapos first year college ka na.

or

Engineering ang course mo, yahoo! Graduate ka na.

Five years mula ngayon, pound for pound king pa kaya si Manny Pacquiao?


May limang taon ng buhay ko, nakatira nga ako sa Balanga pero nakikita ko lang siya di pa sumisikat ang araw. Pag-uwi ko, habang nag-aabang ako ng tricycle sa terminal, sakto pinagpapatayan na ako ng ilaw ng buong Mc Donald’s sa tapat nito.


Ngayon, inangkin ko ang hamon na ipakita ang kagandahan ng Balanga City – araw man o gabi.

Unang assignment ko, siyempre kunan ng picture – backpacker nga kaya ang role ko sa blog na eto. Mahiyain pala ang lolo mo.


Gaano kahaba ang limang minuto?

Sa isang banda, maikli lang.


Nasa plasa na ko tinititigan ko lang ang banga. Five minutes. Di ko mailabas ang camera ko. Medyo gabi na noon pero marami pa ring tao. Nahihiya na ko. Nung magkalakas na ako ng loob hindi ko naman makunan ang artistic. Ayaw magsialis ng mga sinasabi kong mga kinahihiyaan kong tao.


Paano na eto?

Kapag nagfood trip na ko, panu ko kukunan ng picture ang goto at halu-halo sa tulay?

Kapag cover ng events, paano ako gigitna sa parada ?

Kapag feature ng personality, paano ko itatanong ang "how would you like to be remembered?"

Ahay!


Anyways, gusto ko man sabihing not-bad ang freshmen photos ko. Wala ako magawa. Ang hirap kaya iwasan ang streamers nina Pacquiao vs. Hatton Fight.


At sa muli, Welcome to Balanga City, Mabuhay!